Biyernes, Hunyo 10, 2011


“Bahay ni Miani,….
         Isang Institusyong
                       katangi-tangi”
  Ms. Benelinda G. Rivera, rsw


            Isang umaga, sa aking paggayak ng mga gamit patungong trabaho, hindi sinasadyang natuon ang pansin sa kalendaryo na nasa tabi ng aking tulugan. Nasabi ko sa aking sarili, tunay na kaybilis ng panahon. Tatlong taon na pala mula nuong hunyo 2, 2005, ng ako ay nag-umpisang namasukan sa Casa Miani bilang pansamantalang kawani. At sa loob ng tatlong taon may pagmamalaking masasabi ko na lalong naging mabunga at makulay ang aking karanasan. At ito ay naghatid ng lalong paglago sa aking personal at propesyonal na katayuan.

          Nuong una, akala ko, ang aking pakikipagtrabaho sa Foundation ay sa maikling panahon lamang sapagkat ang layunin ng pagkuha ng aking serbisyo ay upang makatulong na matapos ang iba pang dokumento at mga bagay na kailangan para sa DSWD Accreditation ng institusyon. Nagawa kong gawin ito dahil ito ang linya ng trabaho ko pero ito rin pala angmagiging dahilan upang ang tiwala ng Foundation sa akin ay maging lubos.         Napakabilis ng mga pangyayari,.maliban kasi sa pag-aasisti ko sa Casa Miani may iba pa akong ina-asistihang asosasyon. Pero heto ako, tatlong taon na pala ako dito at tinuturing na ikalawang tahanan. Kay bilis nga ng panahon.
          Kakaiba at katangi-tanging karanasan na lalong nagpaigting sa aking “commitment” bilang isa sa mga tagapaglingkod ng Casa MIani. Tunay na malaking hamon ito sa akin, ngunit siya ang naging daan upang lalong lahasa at mapanday ang aking kakayahan, mapaunlad at mapalawak ang pananaw bilang isang nagtatrabaho at naglilingkod.
          Oo, lubhang matrabaho ang ganitong paglilingkod, subalit sila ang nagbibigay buhay  at sigla sa aking pang araw-ara na pakikipamuhay sa kanila. Sila rin ang pinanggagalingan ng aking tuwa at galak sa aking puso, bukod sa aking pamilya. Mabuhay ka Bahay ni Miani!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento