Lunes, Hunyo 13, 2011


…Bakit may
Share-A-Home Families
     at Benefactors?
Sa simula’t mula pa ng paglilingkod
ni San Heronimo Emiliani sa mga
Ulila ay hangad na niyang maging
katuwang ang mga tao sa pagliling-
kod sa Diyos sa pamamagitan ng
paglingap sa mga kapus-palad at
naulila. Kinikilala sila sa tawag na SPONSORS. Ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang matulungan ang mga batang nangangailangan. Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang pagpanaw ni San Heronimo, Ipinagtibay ang mga alituntunin a mga responsibilidad ng mga Sponsors sa pakikibahagi sa misyon ni San Heronimo. At ito ang tinatawag nilang Rules of Sponsors (1550-1560).
          Nuong nakaraang General Chapter 1993 iminungkahi ang Kolaborasyon ng mga layko sa Somaskanong Misyon sa tema: “Ipangaral,..at ibahagi ang karisma ni San Heronimo sa mga Layko.” Inirekomenda sa chapter ang panukala na palawakin at patatagin ang kilusan ng mga Somaskanong Layko (Somascan Lay Movement) sila yung mga layko na na-inspired sa buhay ni San Heronimo at laang makibahagi sa misyon ng mga Somaskano ayon sa iba’t-ibang estado ng kanilang buhay. Bahagi ng programang ito ang:
a.    Malaman ang buhay pananampalataya bilang tugon sa misyon ng Simbahan; malaman ang buhay at kaaya-ayang  karanasan ni San Heronimo.
b.    Pakikilahok sa mga spirituwal na pagsasanay  at iba pang aktibidades ng mga Somaskano.
c.     Promosyon ng Kultura ng Pagkakaisa (Culture of Solidarity) upang ang mga isinasantabi ng lipunan ay matugonan.
d.    Kooperasyon at kuro-kuro ng bawat miyembro ay mahalaga para sa epektibong pagtugon
e.     Makabuo ng proyekto upang makatugon sa pangangailangan ng mga kabataan.

Magpasa-hanggang ngayon nagpapatuloy ang progamang ito. Lumalawak at dumarami ang bilang ng mga miyembro. Patunay lamang na kumikilos ang Banal na Espiritu sa bawat isa sa kanila sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng paglilingkod at pakikibahagi sa misyon ng mga Somaskano.
Pero bakit nila gusto..? ay sapagkat may mga taong handing buksan ang kanilang puso para tanggapin ang mga batang ito na nangangailangan na kalinga at pagmamahal.
…Kayo…? Gusto n;yo bang maging miyembro ng Somaskanong Layko? Tara na!... Malaus kayo sa Bahay ni Miani.

Biyernes, Hunyo 10, 2011


“Bahay ni Miani,….
         Isang Institusyong
                       katangi-tangi”
  Ms. Benelinda G. Rivera, rsw


            Isang umaga, sa aking paggayak ng mga gamit patungong trabaho, hindi sinasadyang natuon ang pansin sa kalendaryo na nasa tabi ng aking tulugan. Nasabi ko sa aking sarili, tunay na kaybilis ng panahon. Tatlong taon na pala mula nuong hunyo 2, 2005, ng ako ay nag-umpisang namasukan sa Casa Miani bilang pansamantalang kawani. At sa loob ng tatlong taon may pagmamalaking masasabi ko na lalong naging mabunga at makulay ang aking karanasan. At ito ay naghatid ng lalong paglago sa aking personal at propesyonal na katayuan.

          Nuong una, akala ko, ang aking pakikipagtrabaho sa Foundation ay sa maikling panahon lamang sapagkat ang layunin ng pagkuha ng aking serbisyo ay upang makatulong na matapos ang iba pang dokumento at mga bagay na kailangan para sa DSWD Accreditation ng institusyon. Nagawa kong gawin ito dahil ito ang linya ng trabaho ko pero ito rin pala angmagiging dahilan upang ang tiwala ng Foundation sa akin ay maging lubos.         Napakabilis ng mga pangyayari,.maliban kasi sa pag-aasisti ko sa Casa Miani may iba pa akong ina-asistihang asosasyon. Pero heto ako, tatlong taon na pala ako dito at tinuturing na ikalawang tahanan. Kay bilis nga ng panahon.
          Kakaiba at katangi-tanging karanasan na lalong nagpaigting sa aking “commitment” bilang isa sa mga tagapaglingkod ng Casa MIani. Tunay na malaking hamon ito sa akin, ngunit siya ang naging daan upang lalong lahasa at mapanday ang aking kakayahan, mapaunlad at mapalawak ang pananaw bilang isang nagtatrabaho at naglilingkod.
          Oo, lubhang matrabaho ang ganitong paglilingkod, subalit sila ang nagbibigay buhay  at sigla sa aking pang araw-ara na pakikipamuhay sa kanila. Sila rin ang pinanggagalingan ng aking tuwa at galak sa aking puso, bukod sa aking pamilya. Mabuhay ka Bahay ni Miani!!!
Ang Luka-Lukang
     Foreigner
Ms. Mary Margaret Rinnert



        As a foreigner in a new place it takes time to adjust to a new culture and way of life.  Continue to tell myself to embrace change and adapt to what is around me. I, for one, am the “Foreigner”. These constant adjustments can be frustrating, but also exciting. Overall, it’s all about the adventure, di ba? I know as I fly away this place, I will take with me a lot more than what I would ever be able to give. So far, everyday has been a challenge in which I have learned something, and for that I am grateful. A few of these lessons were learned the hard way, but all in all, I have survived my experience so far. These below are just a few of the many things I have learned while living in my new home,…Philippines.
  1. Always invite others into your hour home and offer them something sweet to eat. This is a Filipino way.
  2. Raise your eyebrows with a quick movement when you are greeting others and also when answering a question with “Yes”.
  3. When in line (if there is one) stand directly behind the person in front of you so that no one will “cut”.
  4. Don’t do your laundry if a typhoon is coming.
  5. Always laugh at Brother Serafin’s corny jokes.
  6. Never forget the phrase: “There’s always room for one more,” especially when it comes to riding in jeepneys.
  7. There’s always time for merienda.
  8. Children are the same here as they are in the U.S. They love to laugh and to play.
  9. There are ghosts in your house if you are living alone.
  10. Depending on the day and the person making the comment, I could be mataba, payat, maitim o maputi.
  11. I love spending time with the boy of Casa Miani.
  12. Wearing bright red might mean it’s your Birthday.
  13. There’s no need to hurry or rush. There is always time and other days to get things done.
  14. Bro. Manuel always has a poging smile and corny joke to share. He he he.
  15. Always be ready to answer the following question several times a day:
Saan ka pupunta?/ Saan ka galling? / Taga saan ka? / Saan ka nakatira? /  Do you eat rice? / Are you a Catholic? / Ilang taon kana? / May asawa kana ba? / may boyfriend kana ba? / Bakit? / May mga anak? /Why are you here?/ Ilang kapatid? / Why is your hair that color? / is it cold in your place?

Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Biglaang Pagka-Ama


  Biglaang 
       Pagka-Ama


   -Bro. Serafin M Kare, crs





           Uso pa ba ang ligawan at ang dating nakaugalian? 
          Hindi man ako salungat sa mga instant products, tahasan ko naman hindi sinasang-ayunan ang biglaang pag-iisang dibdib ng magsing-irog. Sapagkat ito ay nauuwi sa di kanais-nais na paghihiwalay ng mga mag-asawa, pagdami ng mga batang walang kinikilalang ama o ina at marami pang iba.
Hindi nga ako sang-ayon sa biglaang pag-aasawa, ipinagmamalaki ko naman ang biglaan kong pagka-ama. Ito ay nagmula noong ika 24 ng Mayo taong kasalukuyan. Biglaang pagka-ama ng dalawampu’t siyam na mga bata. Iba-ibang klase ng bata na nagpapamalas ng kanilang pagmamahal, respeto… na dapat sana sa kanilang tunay na magulang inilalaan. Kaya ang tanging hiling ko noon, sana matularan ko si San Geronimo, nang sa gayon tunay kong mapunuan ang pagkukulang ng kani-kanilang magulang.
Hindi lang naman sa may ipagmamayabang, kundi nariyan din ang sayang dulot ng biglaang pagka-ama. Napagalitan pa lang kanina pero maya-maya nakikipagbiruan na sila. At marami ang naitutulong nila sa akin. Kahit na katuwang lang nila ako sa paghuhubog, kasabay naman nito ang pagyabong ng aking sarili. Sa pagtuturo, ako ang unang natututo. Sa pagtulong, naroon pala ang tulong, kaya sama-sama kaming lumalago sa kabutihan. Hindi lang naman kasi sapat na sabihing; “dapat magmahalan kayo, magpapakabait…” kundi dapat nakikita nila ito. Biglaan man, pero di ka na magsisisi. Bagkus, dapat pa akong magpasalamat.
Sa biglaan kong pagka-ama, nariyan ang paghahambing ng mga karanasan ko noon sa mga bata ngayon. Totoo ngang may mga nabago. At nakakalungkot isipin na parang unti-unti nang ibinabaon ang magagandang kaugalian noon. Kaya mga kaibigan, hindi lang naman ang mga Kabataan ang pag-asa ng Bayan kundi ang bawat tumutugon sa mga hamon ayon sa kung ano ang tama at nararapat.

Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata..


 …Hayaan
     ninyong lumapit
          sa akin ang
                 mga bata...
                                

 -Fr. Santy Gonzales, crs

Ang ating Panginoong Diyos ay lubhang mahabagin at makatarungan. Kung nais ng isang taong mapalapit kay Hesus, tularan niya ang pagtanggap ni Hesus sa mga batang ito.
Sinasabi n gating Panginoong Hesus sa kanyang mga alagad: “..bayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, hwag ninyo silang sawayin, sapagkat sa mga tulad nila naghahari ang Diyos (Mk.10:30)
       Taong 1999 hanggang 2001 ay naranasan ko nang maging taga-akay sa mga bata sa Casa Miani-Lubao. Nagkaroon ako ng pagkakataong bumalik nang taong 2005 hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito ipinagpatuloy ko, kasama ng mga kapatid kong Somaskano ang gawaing iniwan ng aming amang si San Heronimo.
          Sa aking karanasan, masasabi kong habang tinutulungan ko ang mga batang ito sa paghuhubog ay natutulungan din akong mahubog sa aking buhay bilang Somaskano. Mula sa aking practicum at naging pari na ay na-assign na ako ako sa mga bata. Patuloy pa rin ang paglilingkod ko. Nasabi nuon ni San Heronimo: “Nakipagkasundo na ako kay Kristo…”. Ito rin ang kasunduang dala-dala ko ngayon. Maraming pagsubok at sakripisyo pero bale-wala ito kung ang hangarin ng puso ay ang maglingkod ng buong-buo. Hindi ko makakaya ito sa ganang sarili ko lamang. Sa tulong ng Diyos at ng mahal na Birhen, kasama ng aking mga kapatid na Relihiyoso ay nagiging magaan ang lahat sa paglilingkod. At tulad ng sabi ni Hesus na “hayaang lumapit sa kanya ang mga bata..” ay siya ring panawagan niya sa bawat isa sa atin ang hayaang lumapit ang mga batang nangangailangan ng ating kalinga at pagmamahal.

Martes, Hunyo 7, 2011

Buhay ni San Heronimo Emiliani

   (Pangkalahatang Ama ng mga Ulila at mga Napabayaang Kabataan)

        Si San Heronimo Emiliani ay isinilang sa Venice, Italy nuong 1486. Siya ay galing sa mayamang angkan ng Miani.
Nuong panahong iyon, nanganganib ang kanilang lugar sa pananakop ng ibang bansa at dito ay una siyang nanilbihan bilang sundalo at itinalaga sa kampo ng Castelnuovo bilang kapitan ng nasabing lugar upang bantayan ang pagpasok ng kalaban sa kanilang lugar. Nuong 1511 ay nabigla silang nilusob ng mga nagsanib na puwersa ng mga kalaban at siyang kinatakot ng mga kawal ni San Heronimo at nagsitakbuhan sila. Lumaban si Heronimo kasama pa ang tatlong natitirang kasama at sila ay nagapi. Kinulong siya sa madilim na mga kamay at paa. Nakalagay naman sa kanyang leeg ang tanikalang may  mabigat na bola sa dulo. Sa katahimikan ng mga sakit at pagdurusa ay naalala niya ang kanyang mga naga wang kasalanan at tuluyang pinagsisihan.                                                                 

Humingi siya ng tulong sa Mahal na Birhen upang palayain siya at mangangakong magababago at maglilingkod sa Diyos.  Nuong September 27,1511 ay  milagrong nagpakitaang Mahal na Birhen at pinalaya sa kulungang iyon na di nakikita ng mga kalaban. Naglingkod siya sa mga Maysakit, tumulong  siya sa mga nangangailangan at tuwing gabi nililibing niya ang mga bangkay na namatay dulot ng gutom at sakit. Nilikom niya ang mga batang naulila at tinuring na mga anak. Marami ang humanga sa kanyang                   
 dakilang pag-ibig at  paglilingkod  kaya’t marami ang sumunod sa kanya. Tinuonan niya ng pansin ang  paglilingkod at paglingap sa mga batang naulila at nasa matinding pangangailangan. Duon sa lugar s Italya ay  may maliit na lugar na pangalang Somascha (kung saan hinango ang pangalang Somascan). Duon niya ginugol ang pagsisibi at paguturo sa mga batang ito. Bagamat nadapuan din siya ng epidemiya ay patuloy pa rin sa paglilinkod. Nuong February 8, 1537 siya ay namatay na payapa. Pinagpatuloy ng kanyang mga kasama ang naiwang misyon at magpasa-hanggang ngayon ay walang sawang naglilingkod ang mga Somascan Fathers sa iba’t-ibang panig  ng mundo na kung saan mayruong mga Casa Miani sa kanilang pangangalaga. Marami ding congregasyon at  mga
organisayon sa inspirasyon ni San Heronimo ay naging bukas din sa paglilingkod sa mga kapus-palad at mga batang naulila. Nuong September 22, 1747 ay na-beatified si Heronimo Emiliani sa pamumuno ni Pope Benedict XIV at nuong July 16, 1767 ay deniklara siyang santo ni Pope Clement XIII. Itinanghal siyang “Ama ng mga Ulila at mga Batang Napabayaan sa Buong Mundo” ni Pope Pius XI nuong 1928.

Huwebes, Mayo 19, 2011

Magbalik tanaw..!

      Labing-tatlong taon narin ang nakakaraan mula ng naitayo ang Casa Miani sa Lubao, Pampanga. Ito ang kauna- unahang Casa Miani naitatag dito sa Pilipinas. 
       Magbalik tanaw tayo sa nakaraan kung paano umusbong at yumabong ang pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng mga Somaskano sa Pilipinas at kung papaano magpa-hanggang ngayon ay patuloy ang pagpapala niya sa mga taong naging bahagi nitong misyon na ibinigay ni San Heronimo sa kanyang mga kasama. Halina na….at magbabalik-tanaw tayo sa makahulugang buhay ng Casa Miani.
    Ang Casa Miani ay galing sa salitang “Bahay  Ni Miani” (pinaiksi ang apelyidong EMILIANI) na itinatag ni San Heronimo Emiliani at ipinagpapatuloy ng kanyang mga kasama (Somascan Fathers) ang pagtulong sa mgabatang naulila at mga batang pinabayaan at nasa matinding pangangailangan.
      Pinili ni San Heronimo ang makipamuhay sa mga mahihirap at ibinuhos ang kanyang buong buhay sa mga batang ito. Ang Casa Miani ay nasa Lubao, Pampanga at nagsimula nuong taong 1995 sa pamumuno ni Fr. Luigi Brenna, crs at mga kasama. Sa simula ay nagkaroon ng dalawang bata na galing sa pagkalinga ng mga Somascan Sisters na kumakalinga sa mga kabataang babae. Sumunod pa ang apat na bata na galing sa Munting  Tahanan sa Balanga, Bataan. Sa kalaunan dumami ang mga batang ito at siyang pinagtuunan ng paglilingkod ng  mga Somascan Fathers sa pamamatnubay ng aming superior na si Fr. John Cariňo, crs. Sa ngayon, ay  may 29  na bata sa aming panga-ngalaga.  ISANG PASASALAMAT din sa mga taong naghandog ng kanilang oras at sarili upang matugunan ang pangangailangan ng mga batang ito.